by Karl Christian C. Atienza

Kabilang ang RVES sa mga tumanggap ng Safety Seal Ceritficate mula sa Department of the Interior and Local Government at pamahalaang lokal ng pasay noong Pebrero 22, 2022.

Sumailalim ang nasabing Paaralan sa masusing ebalwasyon at pagsusuri bago iginawad ang sertipikasyon.
Nagsagawa ang mga kawani mula sa DILG, Bureau of Fire Protection (BFP), at ng Philippine National Police (PNP) ng magkakahiwalay na inspeksyon sa lahat ng paaralan sa lungsod ng pasay upang mapatunayan ang pagtalima sa mga ibinigay na pamantayan.

Gaya ng nakasaad sa DOLE-DOH-DILG-DOT-DTI joint memorandum circular no. 21-01 Series 2021, pinagtitibay ng Safety Seal Certification Program (SSCP) na ang isang establisimyento ay sumusunod sa minimum public health standards (MPHS) na itinakda ng pamahalaan, kasama na dito ang pagsunod o integrasyon ng StaySafe.ph na aplikasyon ukol sa contract tracing.

Saklaw ng pagpapatupad ng MPHS ang paglalagay ng Screening o Triage area kung saan magpapasa ang mga kawani ng kanilang health declaration at pagsusurian ng sintomas; pagsunod sa physical distancing; pagsusuot ng facemasks, face shields, at iba pang gamit pamproteksyon; ang pamantayan sa disinfection, pagkakaroon ng handwashing stations, sabon at sanitizers, at hand drying equipment o mga gamit para sa mga kawani at bisita; pagtatatag ng sistema ng referral para sa medikal at psychosocial services; at pagkakaroon ng safety officer na siyang magbabantay sa kalagayan ng mga kawaning nasa quarantine o naka-isolate.

Pinangunahan ang paglalagay ng Safety Seal nina Director Gloria Aguhar ng DILG at SINSP Magboo ng Pasay Police Station, at sa tulong nina SFO1 Charito B Bautista and FO3 Bryan Ballesteros ng Pasay City Fire Station Personnel.Gayon din, ang kaganapan ay sinaksihan nina SEPS Social Mobilization & Networking, G. Sylwyn S. Tenorio; Punong-guro, Anicia E. Monton; at School DRRM Coordinator, G. Joselito P. Turbanda.