by Karl Christian C. Atienza

Ang Rivera Village Elementary School ay sumailalim at pumasa sa balidasyon na isinagawa ng School Division Office of Pasay City gamit ang School Safety Assessment Tool (SSAT) noong Ika-17 ng Pebrero, 2022. Ito ay nagpapatunay na ang paaralan ay sumusunod sa pampublikong pamantayang pangkalusugan (minimum public health standards) na itinakda ng pamahalaan.

Pinangunahan ito ni Gng. Anicia E. Monton, Punong-Guro ng paaralan kasama ang mga Technical Assistance Validation Team ng SDO Pasay na pinangungunahan ni PSDS Cluster 6 na si Dr. Sharon M. Sergio, Dr. Bernardita A. Perez Education Program Supervisor, G. Rogelio S. Junio Education Program Supervisor- Mathematics, G. Pedro D. Gloriani Education Program Supervisor-MAPEH, Dr. Ramil D. Dorol Education Program Supervisor- TLE/EPP/TVL, Dr. Basilisa D. Tomimbang PSDS – Cluster 9 at Si Dr. Normina B. Hadji Yunnos Education Program Supervisor-LRMS na aktibong nagbigay puna at payo sa kagandahang maidudulot ng harapang pagkaklase.

Maayos ang naging takbo ng balidasyon Ito ay dahil na rin sa pagtutulungan at pagkakaisa ng LGU, Punong barangay, Mga Magulang, at Mga Guro upang maging matagumpay at maayos na maisagawa ang nasabing aktibidad. Patunay lang na handang-handa na ang RVES sa Expanded Phase ng Limited Face-to-Face classes.