by Karl Christian C. Atienza

Makulay ang naging pagsalubong sa mga mag-aaral ng Rivera Village Elementary School sa unang araw ng limited face to face classes nitong Marso 14.
Pinasalamatan ng paaralan ang mga guro, kawani, Schools Division Office, at ang mga internal at external stakeholders na patuloy na sumusuporta upang maging maayos ang pagpapatupad ng Face-to-Face classes sa paaralan.

Sinisiguro ng paaralan sa pangunguna ni Gng Anicia E. Monton., Punongguro ng paaralan, ang seguridad at kaligtasan ng mga mag-aaral na kalahok sa paunang implementasyon ng limited face to face classes sa pamamagitan ng maayos na pagpapatupad ng health and safety protocols sa loob ng paaralan.
Kinabilangan ng mga piling mag-aaral mula sa Kindergarten hanggang Ikatlong baitang ang unang sasabak sa implementasyong ito.