by Karl Christian C. Atienza
Nagsagawa ng simulation exercises ang Rivera Village Elementary School noong ika-24 ng Pebrero, 2022 para sa isasagawang implementasyon ng Expansion Phase of Limited Face-to-Face classes na gaganapin sa mga susunod na buwan.
Layunin ng simulation na ito na maisagawa ng mga mag-aaral ang tamang daloy ng pagpasok at paglabas ng paaralan. Gayunding upang matukoy rin ang maaaring maging suliranin na maaaring maitala sa pagpapatupad ng Limited Face-to-Face Classes.
Pinangunahan ito ni Gng. Anicia E. Monton, punong-guro ng paaralan kasama ang School Limited Face-to-Face Focal Person na pinangungunahan ni Dr. Renelyn T. Pinapit at General Parents Teachers Association na aktibong nagbigay ng suporta sa mga mag-aaral sa kagandahang maidudulot ng harapang pagkaklase.
Makikita sa mga mata ng mga mag-aaral ang galak at pananabik sa muling pagbabalik ng klase. upang masunod ang proper health protocols at masiguro ang kanilang kaligtasan bago pumasok sa paaralan, kinakailangan nilang magsuot ng face mask, kunin ang temperatura ng kanilang katawan, palaging maglinis at maghugas ng kamay at panatilihin din ang social distancing.
Kaya naman, kami sa Rivera Village Elementary School ay handang handa na!