Bilang tulong sa mga mag-aaral na lubos na naapektuhan ng COVID-19, and Rivera Village Elementary School ay naglunsad ng proyektong “RVES School Pantry, Handog sa Mag-aaral V.2.0” noong May 03-05 at May 10, 2021. Ang proyektong ito ay pinangunahan ni G. Joffrey P. Quinsayas, Pangulo ng Samahan ng Pamunuan ng mga Guro, G. Edwin R. Amolo, pangulo ng Samahan ng mga Magulang at Guro at Giovhana Gracia Aladen, Pangulo ng Supreme Pupil Government. Layunin din ng proyekto na mabuo ang ugnayang pagtutulungan ng mga samahang ito at ng maging ang buong komunidad. Nagkaroon ng pagpili ng mga mag-aaral mula sa Kindergarten hanggang Ikaanim na baitang na binubuo ng 100 beneficiaries na mga magulang ang kumuha. Iba’t ibang mga pagkain (delata, bigas, mga gulay, kape, noodle at iba pa), mga face mask at face shields. Nakalikom ang pamunuan ng Php 14,800.00 na cash na ibinili ang iba pang idinagdag sa mga donasyong pagkain. Ang proyektong ito ay naiulat din sa dyaryo ng Pilipino Star at Telebisyon sa Balita ng DZRH.