Menu
Philippine Standard Time:

by Rosalyn C. Raveche

Tunay ngang buhay pa rin ang diwa ng scouting sa RVES. Nitong Pebrero 22, 2024 ay ginanap ang Pagtatalaga sa mga Lalaking Iskwats na sinundan ng overnight camping noong Pebrero 23-24. Maraming batang lalaki mula sa ika-apat hanggang ika-anim na baitang ang sumali sa nasabing gawain. Kinabukasan ay sumunod ang mga kid at kab scouts na nagsaya rin sa mga iba’t ibang scouting activities.

Pagkatapos ng mga kalalakihan ay sinundan naman ng Pagtatalaga sa mga Babaeng Iskawts noong Pebrero 28. Nagkaroon din ng daycamp na sinalihan ng mga mag-aaral mula sa iba’t ibang baitang. Isa sa mga gawain ay ang pagtatanim bilang tugon sa suliranin sa polusyon.

Ang pagtatalaga ay isinasagawa taun-taon upang maipakita ang malugod na pagtanggap sa mga bagong kasapi sa scouting.